Friday, April 9, 2010

Alam ko namang may bago ka na. Kelangan ba talagang ipamukha pa?

POTA. i hate you! sobra. galit ako sayo. kasi hindi mo nagawang magluksa. sige magyabang ka lang. na may babaeng nagkakandarapa sayo, na parang ang gwapo-gwapo mo. ipagmalaki mo sa buong mundo na sa buhay mo, may mga babaeng handang lunukin yung pride at ipahiya yung sarili nila sa luklukan para sa isang walang kwentang kagaya mo. Sabihin mo rin na bitch talaga ako, malandi, weird at hindi mo naman ako minahal. Sige maglandi ka pa ng iba, kasi alam mo, deep down inside, yun ang higanting magagawa mo sa akin. Sige ipakita mong masaya ka. At oo, naniniwala akong masaya ka talaga. Itaboy mo ako. Ipagyabang mo. Megenjoy ka. Magenjoy kang saktan ako. Na kahapon lang, sinabi mong sobra mo akong mahal. At ngayon, ang sarap mong ihampas sa pader kasi para kang may amnesia. Sabihin mo na nasakal ka at kahit kelan hindi ka naging masaya. Sige ipakita mo pang wala kang pakialam sakin. Tutal naman sobrnag dali para sayong kalimutan ako. =,(.

Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko na naniwala ako sayo. Tinuruan mo ako ng mga bagay na hindi ko naman talaga gustong malaman... na masaklap ang mundo, na hindi lahat ng tao mabuti. Ang sama mo. Asshole ka. Kaya ko naman dati ng ako lang. Tama ka. Pero dumating ka. Ginamit mo ako pangmove-on mo. Tapos nung okay ka na, bibitawan mo ako. Na kahit wala na akong maramdaman mula sayo, pinipili ko pa rin ipaglaban kita. Pero anong ginawa mo? Hindi mo lang basta binreak yung heart ko. Ipinamukha mo pa sa mundo na kaya mong palitan ako agad. Kahit onti, hindi mo ako pinahalagahan. Kahit yung pinagsamahan man lang natin. Kahit yun lang. =((

Sorry?! Yun lang masasabi mo? Puta halos mamatay na ako deep inside pag duty. Kung umasta ka, parang walang nangyari. Ni wala kang idea kung gano kasakit. Sobrang sakit. Na kahit anong sabihin ko hindi mo maiintindihan kung gaano. Kasi sobra. SOBRA SOBRA. At masasabi mo lang sorry? Tas itataboy mo pa ako pag gusto kitang makausap. Gago kaaaaaaaaaaaaaaaaaaa. Mahal lang kita! Yun lang ang meron ka. Tas sasabihin mo, "Kung kaya ko lang sanang bawiin yung mga sinabi ko..." Putang ina! Wala ka na ba talagang pakialam? O respeto man lang. Walang kang alam. Sana maramdaman mo kung gano kasakit ang ginawa mo. Wala kaeffort2 sinasaktan mo ako. Walang kahirap-hirap. Para san? Para sa ego mo? Sa reputasyon mong chickboy ka? Gago. Kahit ilang babae pa maloko sayo, walang magiging pagbabago dyan sa mukha mo.

At ALAM MO KUNG ANONG PINAKAMASAKLAP?

kasi kahit anong gago mo, yabang mo. kahit anong pagtataboy ang gawin mo, kahit wala na kong gana pumasok dahil sayo, ikaw pa rin ang mahal ko. Mahal na mahal kita. Alam ng Diyos kung ilang beses kita pinagdadasal sa iang araw. Alam ni God kung gaano. At kahit anong galit nararamdaman ko, hindi pa rin matutumbasan yun ng pagmamahal ko sayo.

Ikaw pa rin laman ng utak ko pag gising ko sa umaga hanggang pagtulog ko sa gabi.
Ikaw pa rin pumapasok sa utak ko sa bawat love song at romantic movie.
Para sakin, ang gwapo mo pa rin.
Naalala kita sa bawat jeep at bus na makita.
Sa bawat magsyotang dumadaan.
Oo. Namimiss ko yung hugs, kisses at mga kamay mo.
Namimiss ko yung mga pasa na dahil sayo.

Naiinis ako. Na kahit anong gawin o sabihin mo sakin. Na kahit anong sakit, pag bumalik ka, itanggi ko man, tatanggapin kita.=((

Paniwalain ko man ang mundo na masaya na ako at nakamove on na, hindi ko maloloko ang sarili ko. Ito ang totoo. Wag mo akong sisihin. Pero sige, magpapanggap akong masaya. Kahit deep inside, ang sakit-sakit.

Hiling ko lang naman, sa bawat gagawin mo, please lang, isipin mo naman ako. Masakit eh. =,

No comments:

Post a Comment