Thursday, March 19, 2009

Thank You Po God

hindi ako nakasulat sa maraming araw. bakit? marahil dahil na rin sa sama ng loob ko sa iba't ibang tao. ayoko nalang magsulat o magsalita. ayokong mawala ang mga kaibigan ko kaya pinipilit kong manahimik. noong high school kasi ako at pinili kong magsalita, nawala ang matalik kong kaibigan. itoy maaaring sanhi kung bakit sanay akong hindi maglalabas ng inis o galit ngayon. hayy.. tapos na yon. ayoko nang ilagay dito dahil mas nararapat na kalimutan na lamang. umaasa lamang ako na bumalik ang lahat sa dati.



sa mga lumipas na araw:

* nakapagduty ako sa community. sa palanan, naranasan kong makibagay sa mga bata at tiisin ang masakit na sapatos sa chn. kinabahan akong pumunta sa mga bahay para magPE sa kanila ngunit nagawa ko. Sa La Paz, kinabahan ako magBP sa ibat ibang tao. Buti na lamang walang nagpaBP. Sa IBC, ahh may fishball doon :P


*At nagduty rin ako sa 5th floor ng ospital. Napakamakasaysayan dahil nakapagBP ako ng mga pasyente, isa sa pinakakinatatakutan kong gawin. Napakasaya. Sa mga ginagawa doong pag-aalaga, para na akong nars.


*Nakaranas ako ng grand case kahapon. Nakalimutan ko ang lahat ng isinaulo ko. Saya diba?


*Natutunan ko ang mga huh at ehh ni Bianca.


*Nagkaplay kami sa World LIt. Napakahalaga ng role ko. Taumbayan. :D


*Nagfinal exams....



ang araw na ito. napakasaya... ngayon kasi ang aming pagsusulit sa pmsd. madali lang naman kaya walang nakakabagabag sa damdamin ko ngayon. pumunta kami sa mall ni kristine at ghem pagkatapos niyon. naghahanap kasi ng damit si kristine. ayon lang... masaya ako na tapos na "halos" ang mga pagsusulit... na tapos na ang suliranin sa aming magkakaibigan... na dumiretso ang lahat...
Nagpapasalamat ako sa Poong Maykapal... Makangingiti na akong muli :)

No comments:

Post a Comment