Tuesday, May 4, 2010

:(

mahal na mahal kita marko esta. kahit siguro gano katagal hindi magbabago yun. hindi ako susuko sayo. aantayin kita... :( i love you lang. sa ngayon, ito lang muna magagawa ko. hanapin ang sarili ko at magdasal. miss na miss na kita. :(

Sunday, May 2, 2010

God ang sakit na po :(


i miss you so much and i dont know what to say anymore. :( kelan ko ba sasabihing masaya ako nang di nagsisinungaling? marko :( hindi ko kasi kayang wala ka eh.. or siguro kaya ko. AYOKO LANG. ayoko magmove on. alam ko namang iba na buhay mo. hindi ko lang kasi kayang kalimutan ka eh. mahal na mahal kita eh. sobra. araw-araw, di mo lang alam, umiiyak ako, simula pa 3 months ago. mula nung araw na yun, wala nakong ginawa kundi ipagdasal na sana bumalik ka.. na sana happy ending. pero hindi eh :(( ang sakit lang kasi bumitaw ka agad. sana ako nalang mahal mo. sana ako pa rin. SANA :( esta ikaw lang kasi gusto ko eh. tanga na sige. pero miss na miss na kita. alam mo yun? ang sakit-sakit pa rin. T_T kahit ang saya-saya mo na.
miss ko pa rin
*feeling ng kamay mo sa kamay ko
*yung mga away natin "anong araw ngayon? sa saturday nalang tayo ulit magusap ha?"
*mga goodbye kiss mo bago ako bumaba sa jeep
*mga hugs mo
*mga jejemon texts mo
*mga pasa
*miss ko na si panty :(
* miss ko na ikaw ikaw ikaw ikaw ikaw
*miss ko na magduty kasama mo.
*miss ko na 6th flooooor
*i missss you!

SAKIT_SAKIT. kasi di ko rin makalimutan yung araw na sinabi mong
"hindi na gaya ng dati yung feelings ko sayo."

alam mo ba kung gano kasakit yun? halos gumuho yung mundo ko esta. hanggang ngayooooon. pero ito pa rin ako umaasa. handa ko naman kalimutan lahat un eh :(( kahit ako nalang lumalaban para makasama ko ulit. huhuhuhu wala akong magawa. nakikinig naman si God eh. halos mamatay ako sa selos. si Quennie na ba? mas mahal ka ba talaga niya? mas masaya ka ba talaga kasama nya? mahal na mahal po kasi kita eh :(( sobra... kahit wala ka nang pakialam. marko kasiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii. bumalik ka na please :( please? hirap2 na eh T__T

Sunday, April 18, 2010

gago ka lang kasi

Hindi mo ako sinalo nung nahulog ako. Hindi mo ako pinansin nung bumagsak ako. Dapang-dapa na ko, alam mo ba yun? Pero nung napansin ko na paalis ka, sinubukan ko pa ring tumayo muli para habulin ka.

gago ka talaga. gago sa lahat ng gagong nakilala ko. pero putangina lang, mahal kita. tarantado.

=((((((((((((((((((((((((((((((

marko, pano ba kita kakalimutan? ang hirap hirap na. hindi mo lang alam, mula nung araw na nagaway tayo, araw-araw nalang umiiyak ako. literal. walang araw na hindi ako umiyak.parang kahapon lang ang lahat. pano mo ko nagawang bitawan ng ganun-ganon lang? masakit eh. sobra. hindi ko alam kung may makakaintindi sa akin ngayon. katangahan na eh. kelangan ko nang itago. mag3 months na. pero bakit ganun pa rin? miss na miss na kita. sobra pa sa kaya kong sabihin. i miss you. kahit masaya ka na sa piling ng iba. hindi ko lang kasi alam pano icoconvince sarili ko eh. mahal na mahal kita. sana kaya kong iput into words kung gano kasakit sa paraang maiintindihan mo. para alam mo. :( esta masakit. hindi madali. pano mo nagawa sa akin toh? naging friends tayo. pano mo ako nagawang talikuran? pano mo nagagawang ngumiti habang may isang tao mamatay-matay na kasi pinaasa mo. PANO MARKO? :(( sana kaya kong iparamdam sayo. alam mo yung pakiramdam na sobrang sakit? pero hindi gumagaling? wala ka pang magawa? walang nakakaintindi? at IKAW. yung nagiisang taong mahal ko ng sobra sobra pa sa sarili ko. ikaw pa =(( pano kita papakawalan? sinong tutulong sakin? gusto ko lang maging masaya =( gago ka. gago ka talaga! =((((((((((((((((((((((((((9

Saturday, April 17, 2010

i miss you negro

hoy! miss na kita. hirap magantay sa hindi na darating. :( pero feeling ko kasi may pagasa pa eh. sige na o. balik ka na please? oo masaya na ako.. pero hindi pa rin kumpleto kung wala ka. mlbe! please? ako na lang ulit mahal mo o? di ako magsasawa pramis. sana ikaw din sa akin. ako nalang ulit! miss na kita. ang tanga lang na hanggang ngayon nagluluksa pa rin ako. pero anong magagawa ko? ikaw pa rin talaga eh. ikaw ang mahal ko. ewan ko kung bakit. i love you!!! tayo nalang o. please? =( ito lang naman kasi magagawa ko eh. magsulat ng patago. tas itanggi sa buong mundo na mahal pa kita. pero jinojoke ko lang naman sarili ko. LOVE KITA.. hindi magbabago. kahit na sinukuan mo ako agad. huhu wala akong pakialam. ikaw lang magpapasaya ulit sa akin ampatuan =( kahit malabo. kahit magkaiba tayo. please? kahit ang reason lang... kasi love mo ako? kahit yun nalang? =((

Wednesday, April 14, 2010

i miss you


i miss you super. wala akong gusto for now kundi ihug ka, makalikot yung kilikili mo, ikiss ka, makasabay sa jeep. "i miss you naaaaaaaa.. " and it kills me :. kasi siguro masaya ka na sa iba. 1 in a million yung chance na magbalik ulit yung feelings mo para sa akin. ewan ko. MAHAL KITA, ngayon at bukas. MAHAL NA MAHAL. MISS NA MISS. malayo mang mangyari na bumalik ka, dito lang ako magaantay araw-araw. kahit masakit. kahit malabo. ikaw lang. ikaw lang talaga. :,((

Friday, April 9, 2010

Alam ko namang may bago ka na. Kelangan ba talagang ipamukha pa?

POTA. i hate you! sobra. galit ako sayo. kasi hindi mo nagawang magluksa. sige magyabang ka lang. na may babaeng nagkakandarapa sayo, na parang ang gwapo-gwapo mo. ipagmalaki mo sa buong mundo na sa buhay mo, may mga babaeng handang lunukin yung pride at ipahiya yung sarili nila sa luklukan para sa isang walang kwentang kagaya mo. Sabihin mo rin na bitch talaga ako, malandi, weird at hindi mo naman ako minahal. Sige maglandi ka pa ng iba, kasi alam mo, deep down inside, yun ang higanting magagawa mo sa akin. Sige ipakita mong masaya ka. At oo, naniniwala akong masaya ka talaga. Itaboy mo ako. Ipagyabang mo. Megenjoy ka. Magenjoy kang saktan ako. Na kahapon lang, sinabi mong sobra mo akong mahal. At ngayon, ang sarap mong ihampas sa pader kasi para kang may amnesia. Sabihin mo na nasakal ka at kahit kelan hindi ka naging masaya. Sige ipakita mo pang wala kang pakialam sakin. Tutal naman sobrnag dali para sayong kalimutan ako. =,(.

Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko na naniwala ako sayo. Tinuruan mo ako ng mga bagay na hindi ko naman talaga gustong malaman... na masaklap ang mundo, na hindi lahat ng tao mabuti. Ang sama mo. Asshole ka. Kaya ko naman dati ng ako lang. Tama ka. Pero dumating ka. Ginamit mo ako pangmove-on mo. Tapos nung okay ka na, bibitawan mo ako. Na kahit wala na akong maramdaman mula sayo, pinipili ko pa rin ipaglaban kita. Pero anong ginawa mo? Hindi mo lang basta binreak yung heart ko. Ipinamukha mo pa sa mundo na kaya mong palitan ako agad. Kahit onti, hindi mo ako pinahalagahan. Kahit yung pinagsamahan man lang natin. Kahit yun lang. =((

Sorry?! Yun lang masasabi mo? Puta halos mamatay na ako deep inside pag duty. Kung umasta ka, parang walang nangyari. Ni wala kang idea kung gano kasakit. Sobrang sakit. Na kahit anong sabihin ko hindi mo maiintindihan kung gaano. Kasi sobra. SOBRA SOBRA. At masasabi mo lang sorry? Tas itataboy mo pa ako pag gusto kitang makausap. Gago kaaaaaaaaaaaaaaaaaaa. Mahal lang kita! Yun lang ang meron ka. Tas sasabihin mo, "Kung kaya ko lang sanang bawiin yung mga sinabi ko..." Putang ina! Wala ka na ba talagang pakialam? O respeto man lang. Walang kang alam. Sana maramdaman mo kung gano kasakit ang ginawa mo. Wala kaeffort2 sinasaktan mo ako. Walang kahirap-hirap. Para san? Para sa ego mo? Sa reputasyon mong chickboy ka? Gago. Kahit ilang babae pa maloko sayo, walang magiging pagbabago dyan sa mukha mo.

At ALAM MO KUNG ANONG PINAKAMASAKLAP?

kasi kahit anong gago mo, yabang mo. kahit anong pagtataboy ang gawin mo, kahit wala na kong gana pumasok dahil sayo, ikaw pa rin ang mahal ko. Mahal na mahal kita. Alam ng Diyos kung ilang beses kita pinagdadasal sa iang araw. Alam ni God kung gaano. At kahit anong galit nararamdaman ko, hindi pa rin matutumbasan yun ng pagmamahal ko sayo.

Ikaw pa rin laman ng utak ko pag gising ko sa umaga hanggang pagtulog ko sa gabi.
Ikaw pa rin pumapasok sa utak ko sa bawat love song at romantic movie.
Para sakin, ang gwapo mo pa rin.
Naalala kita sa bawat jeep at bus na makita.
Sa bawat magsyotang dumadaan.
Oo. Namimiss ko yung hugs, kisses at mga kamay mo.
Namimiss ko yung mga pasa na dahil sayo.

Naiinis ako. Na kahit anong gawin o sabihin mo sakin. Na kahit anong sakit, pag bumalik ka, itanggi ko man, tatanggapin kita.=((

Paniwalain ko man ang mundo na masaya na ako at nakamove on na, hindi ko maloloko ang sarili ko. Ito ang totoo. Wag mo akong sisihin. Pero sige, magpapanggap akong masaya. Kahit deep inside, ang sakit-sakit.

Hiling ko lang naman, sa bawat gagawin mo, please lang, isipin mo naman ako. Masakit eh. =,